Home METRO Plebisito sa Bacoor, Cavite umarangkada

Plebisito sa Bacoor, Cavite umarangkada

MANILA, Philippines- Bumoto ang mga residente ng Bacoor, Cavite have upang pagsanibin ang ilang barangay, ayon sa Commission on Elections nitong Linggo.

Inihayag ng Comelec na 32,380 sa 114,416 barangay-registered voters sa lungsod—sa voter turn-out na 28.30%—ang bumoto sa pagsasanib ng 44 barangay sa 18, at upang palitan ang pangalan ng lima pang barangay bilang resulta ng merge.

Bumoto ng “yes” ang 29,285 na kumakatawan sa 90.44% ng kabuuan habang 9.25% o 2,994 ang bumoto ng “no.”

Isinagawa ang plebisito matapos ilabas ang City Ordinance No. 275-2023 noong March 28, na nananawagan para sa merger “to ensure their economic growth and development.”

“Result of the plebiscite: RATIFIED,” anang poll body. RNT/SA

Previous articleEU chief von der Leyen nasa Pinas na
Next articleKelot sugatan sa nakaparadang Navy truck