Home METRO Plebisito sa SJDM Bulacan isasabay sa BSKE

Plebisito sa SJDM Bulacan isasabay sa BSKE

MANILA, Philippines- Itinakda ng Comission on Elections (Comelec) ang plebisisto para sa conversion ng San Jose del Monte (SJDM), Bulacan bilang highly urbanized city sa Oktubre 30, 2023, ang araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, alinsunod ang plebisito na gagawin kasabay ng BSKE sa Proclamation No. 1057.

Sinabi ni Laudiangco na pinagtibay ng poll body ang 2023 BSKE calendar of activities at lahat ng ipinagbabawal na gawain na itinakda sa ilalim ng Resolution No. 10905 na naangkop sa pagsasagawa ng plebisito.

Dahil dito magiging pareho ang campaign period mula Oktubre 19 hanggang 28 para sa plebisito at 2023 BSKE.

Ang pagdaraos ng barangay assemblies sa nasabing panahon ay pinahihintulutan hindi lamang para sa layunin ng pagpayag sa mga kandidato na maglahad ng kani-kailang mga programa ng administrasyon at mga kwalipikasyon, kundi pati na rin para sa information campaigns para sa plebisito.

Naangkop din ani Laudiangco ang premature campaigning para sa plebisito at BSKE.

Karapat-dapat ding bumoto sa plebisito na gaganapin alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ang mga nakarehistro at kwalipikadong botante sa Bulacan para sa 2023 BSKE.

Ayon kay Laudiangco, unang bibilangin ang boto para sa BSKE bago ang boto para sa plebisito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBong Go sa DOH: Mahihirap tiyaking naseserbisyuhan sa Malasakit Centers
Next articleP1M marijuana winasak sa boundary ng La Union, Benguet