Home HOME BANNER STORY Plenary debates sa P5.768T 2024 nat’l budget natapos na ng Senado

Plenary debates sa P5.768T 2024 nat’l budget natapos na ng Senado

MANILA, Philippines- Natapos na ng Senado nitong Martes ng umaga ang plenary deliberations saproposed P5.768 trilyong national budget para sa 2024.

Natapos ang sesyon nitong Martes, alas-4:50 ng umaga.

Kabilang sa mga tinalakay sa Senate plenary deliberations ang pagkalos sa panukalang confidential funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education para sa 2024.

Kabilang pa sa mga ahensya na binawi ang hirit nila para sa kontrobersyal na pondo ang Department of Finance at Department of Information and Communications Technology.

Samantala, binawasan naman ang confidential funds ng Office of the Ombudsman at ng Department of Justice.

Binusisi ng Senado ang 2024 spending plan sa loob ng siyam na araw.

Matapos ang debate, ilalatag ng Senate finance committee, pinamumunuan ni Senator Sonny Angara, ang amendments sa General Appropriations Bill (GAB).

Susundan ito ng second at third reading approval.

Matapos ito ay magpupulong ang Senador at Kamara sa bicameral conference upang i-reconcile ang hindi tugmang probisyon ng bersyon ng proposed 2024 national budget ng mga Kapulungan

Ang huling yugto ay ang pagratipika sa pinal na bersyon ng GAB sa Kamara at Senado upang maipadala na ito sa Malacañang para sa pagbusisi at pag-apruba ng Pangulo. RNT/SA

Previous articleDOH nakapagtala ng 1,210 bagong COVID-19 cases mula Nob. 14 ‘gang 20, 2023
Next articleExotic pets nabuking ng BOC-NAIA sa postal item!