Home OPINION PM NETANYAHU BERDUGO NG PALESTINE?

PM NETANYAHU BERDUGO NG PALESTINE?

ISINUSUKA na ngayon ng nakararaming Israelis kabilang ang 40 na mga respetadong dating National Security official, kilalang scientists at mga prestihiyosong negosyante, ang tinaguring berdugo ng mga Palestinong si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu dahil umano sa pagiging pasimuno sa pagsiklab ng kaguluhan sa bansa at Gaza.

Nakasaad sa reklamong ipinadala ng mga opisyal sa Pangulo at Speaker ng Parliament, ang samu’t saring akusasyon lalo na ang pagbuo ni Netanyahu ng makakanang grupong pinaniniwalaang may pangunahing misyon na durugin ang Gaza na itinuturing na pinagtataguan ng mga rebeldeng Hamas sa kabila ng panawagan ng United Nations na itigil na ng Israel Defense Forces ang walang puknat na pambobomba bunsod sa namamatay na mga Palestino na umabot na sa 25,000 kabilang na ang mga paslit.

Kasabay ding kinondena ng mga ito ang kontrobersyal na balasahan sa hudikatura ng Israel na itinuturong ugat umano nang pagbagsak ng seguridad sa Israel na responsable naman sa madugong pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7, 2023 na ikinamatay ng 1,200 katao at ikinasugat ng 4,500 Israelitas at pangingidnap ng 230 iba pa.

Sabihin man na gumaganti lang si Netanyahu sa Hamas dahil sa patraydor na pag-atake nito sa loob ng Israel noong nakaraang taon subalit makatarungan pa ba ang walang tigil na pagpapasabog ng IDF sa Gaza na ikinamatay na ng libo-libong Palestino kasama ang mga walang muwang na kabataan?

Maging ang kaisa-isang kaalyado nitong Unied States ay hindi na kumbinsido sa pambobomba ng Israel dahil sa hayagang paglabag sa karapatang pantao na mahigpit na ipinangangalandakan naman ng Amerika sa sanlibutan.

Kaya naman bumagsak na ang popularidad ni Netanyahu na pinaniniwalaang mitsa ng karahasan hindi lang sa sariling bansa nito kundi sa Gaza na ayon sa mga kritikong lider ay wala nang moral ascendancy na pamunuan ang bansang itinuturing na banal at makatao ang nasasakupan.

Mismong mga kababayan ni Netanhayu ang nagsasabing ‘genocide’ ang dapat na isampang kaso sa kanya sa International Criminal Court kapareho ng idiniin sa dating pinuno ng Iraq na si Saddam Hussein na utak umano ng kaliwa’t kanang masaker ng kanyang nasasakupan.

Previous articleMGA USAPING BYAHE
Next articleGIYERA SA PALASYO, KONGRESO, SC SA PI