Home NATIONWIDE PNP: 29 kumpirmadong pinatay kaugnay sa halalan

PNP: 29 kumpirmadong pinatay kaugnay sa halalan

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP)  na 29 katao ang iniulat na nasawi habang natapos ang panahon ng halalan para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

“Twenty-nine ang killed, 100 ang injured, at 40 ang unharmed,” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang press briefing nitong Huwebes, Nobyembre 30.

Sinabi rin ni Fajardo na may kabuuang 331 insidente ng karahasan na hinihinalang may kaugnayan sa halalan ang naiulat.

Sa kabuuang bilang, 105 ang na-validate na may kinalaman sa botohan habang 221 ay walang kaugnayan sa botohan.

Ang limang insidente ay sumasailalim pa rin sa validation kung ito ay konektado sa BSKE.

Karamihan sa mga insidente ay naiulat sa Bangsamoro na may 57 kaso, Northern Mindanao na may 15, Eastern Visayas na may anim, at Ilocos na may anim.

Samantala, may kabuuang 2,672 katao ang naaresto habang 2,087 na baril ang nakumpiska dahil sa mga paglabag sa election gun ban.

Ang panahon ng halalan para sa 2023 BSKE ay nagsimula noong Agosto 28 at natapos noong Nobyembre 29.

Sa kabila ng mga ulat ng mga nakamamatay na insidente ng karahasan na may kaugnayan sa halalan, sinabi ni Fajardo na ang pagsasagawa ng botohan sa pangkalahatan ay mapayapa.

Noong Nobyembre 1, idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na opisyal na natapos ang 2023 BSKE. Santi Celario

Previous articleAlden at Daniel, panis kay Joshua!
Next articleFans nina Cassy at Kyline, nagbabardagulan, lumalala!