Home NATIONWIDE PNP Anti-Cybercrime Group ipinasasama sa POGO inspections

PNP Anti-Cybercrime Group ipinasasama sa POGO inspections

MANILA, Philippines – Ipinanukala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Lunes, Hulyo 10 sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isama ang mga pulis sa inspeksyon nila sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sa press conference, sinabi ni PNP-ACG chief Police Brigadier General Sidney Hernia na nagpasa na ng kanilang inputs ang pulisya sa PAGCOR, na ikinukunsidera rin ang ilang pagbabago sa polisiya nito sa mga POGO.

“Hopefully, we can institutionalize ‘yung presence ng PNP especially yung PNP-ACG dito sa mga monitoring and inspections na gagawin ng PAGCOR,” ani Hernia.

Kamakailan ay sinagip ng pulisya ang nasa 3,000 Filipino at foreign workers nang maghain ito ng search wrrant sa isang POGO firm sa Las Pinas na sangkot umano sa hinihinalang human trafficking at iba pang illegal na aktibidad.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad na ang ilan sa mga nasagip na dayuhang manggagawa ay mga pugante.

Ani Hernia posibleng makatulong sa mga isyu sa POGO ang pagbabago sa polisiya.

“Makakatulong po ito para hindi na po tayo pupunta doon sa puro na lang police operations. Raid dito, raid doon. Ang daming naaapektuhan. Most likely, mas maganda na sa policy level na ang ating gagawin,” sinabi ni Hernia. RNT/JGC

Previous articleTulak tiklo sa P1.3M shabu sa QC
Next articleChinese suspects sa Las Piñas raid pinakawalan, kulang sa ebidensya – Remulla

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here