PNP atrasado: Hindi na ‘misencounter,’ shooting incident na

PNP atrasado: Hindi na ‘misencounter,’ shooting incident na

July 1, 2020 @ 4:51 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Binawi ng Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkoles ang nauna nitong pahayag na isang misencounter ang nangyaring pagkakapatay ng mga miyembro ng pulisya sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac sa GMA News Online na isang shooting incident ang nangyari.

Pinagbasehan umano ng PNP ang nakasulat na police report kung saan nakasaad umano rito na hindi nagpaputok ng baril ang mga sundalo, ngunit itinutok umano ang mga baril sa mga parak, paliwanag ni Banac.

Matatandaang galit na ipinunto ni Philippine Army chief Lieutenant General Gilbert Gapay na murder umano ang nangyari dahil wala namang nangyaring misencounter dahil hindi umano nagpaputok ng baril ang tropa ng kasundaluhan.

Duda rin si Gapay sa ginawang spot report dahil umano sa mga inconsistencies na nakita rito.  RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...