Home NATIONWIDE PNP: BIFF utak ng pananambang sa Maguindanao del Sur

PNP: BIFF utak ng pananambang sa Maguindanao del Sur

MANILA, Philippines- Nabuking na ng Philippine National Police (PNP) ang grupong utak ng pananambang sa Barangay Poblacion sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na ikinasawi ng dalawang pulis at ikinasugat ng apat, noong Hunyo 14.

Anang tagapagsalita ng PNP na si P/Col. Jean Fajardo, inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang dokumento sa pagsasampa ng kaso sa mga unang tinukoy nilang person of interest.

“Base po sa ugnayan natin sa regional director ng [Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region], may mga witnesses na nakapag-identify at nakapagbigay ng infornation as to the identity nitong mga possible suspect behind the ambush… I understand po miyembro po sila ng [Bangsamoro Islamic Freedom Fighters] po,” paglalahad ni Fajardo.

Sa tulong ng Armed Forces of the Philippines, patuloy ang pagpapanatili ng PNP sa kapayapaan at kaayusan sa nasabing lugar.

Naiulat na napaslang sa pananambang sina Patrolman Saiponden Shiek Macacuna at Patrolman Bryan Polayagan.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital sina Patrolman Arjie Val Loie Pabinguit, Patrolman Abdulgafor Alib, Police Staff Sgt. Benjie Delos Reyes, at Police Chief Master Sgt. Rey Vincent Gertos. 

Matatandaang kinondena ng PNP ang krimen at iginiit na sisikaping makamit ang hustisya para sa naiwang pamilya ng mga biktima. RNT/SA

Previous articleTopacio: Teves posibleng umuwi sa Pinas kung..
Next articleHamon ni Digong na resignation, nirerespeto ng PNP