Home NATIONWIDE PNP bukas sa suhestyon na neuropsychiatric exam sa mga tauhan

PNP bukas sa suhestyon na neuropsychiatric exam sa mga tauhan

MANILA, Philippines – Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa suhestyon ni Senador Raffy Tulfo na sumailalim sa neuropsychiatric exam ang kanilang mga tauhan.

“Bukas po ang PNP po sa panukala na review-hin po itong kina-conduct natin na neuropsychiatric examination para po sa mga papapasok sa PNP,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa panayam nitong Miyerkules, Agosto 23.

Ang suhestyon na ito ni Tulfo ay kasabay ng pagdinig ng Senado nitong Martes sa pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar makaraang mabaril ng mga pulis na inakala siyang suspek sa isinasagawa nilang follow-up operation.

Nilinaw ni Fajardo na may iba’t ibang uri ng neuropsychiatric examinations para sa mga pumapasok sa PNP bilang patrolman at sa pamamagitan ng lateral entry, maging ang mga estudyante sa police academy.

May ibang uri rin ng neuropsychiatric examination ang isinasagawa sa PNP personnel na para sa promotion.

Maging sa ilang pagsasanay, sinabi ni Fajardo na sumasailalim din sa neuropsychiatric evaluation ang mga pulis. RNT/JGC

Previous articleNadine Samonte, balik-showbiz, suko na sa panganganak!
Next articlePaglulunsad ng NoKor sa spy satellite pumalpak!