Home METRO PNP findings sa pagkasawi ng estudyanteng sinampal, ‘di matanggap ng pamilya

PNP findings sa pagkasawi ng estudyanteng sinampal, ‘di matanggap ng pamilya

MANILA, Philippines – Hindi matanggap ng pamilya ni Francis Gumikib, ang Grade 5 student na si Francis Gumikib na namatay matapos umanong sampalin ng kanyang guro, ang resulta ng awtopsiyang inilabas kung saan isang bihirang kondisyon ang naging sanhi ng kamatayan niya.

Base sa medico-legal team ng PNP Forensic Group na ang pagkamatay ni Francis ay sanhi ng pagdurugo at pamamaga ng kanyang utak dahil sa isang pambihirang sakit na congenital.

Giit ng ama ni Francis na si Eusebio na imposible ang nasabing resulta dahil hindi pa na-admit sa ospital ang biktima bago ito sinampal.

“Yung sampal lang talaga po dahil yung anak namin, simula’t sapul… ‘Yung anak naming hindi pa naoospital yun eh. ‘Yung naospital siya [nung nasampal] siya natuluyan,” ani Eusebio.

Idinagdag pa ng pulisya na kung ang sampal ay talagang sanhi ng kamatayan, ang mga sintomas ay makikita sa loob ng tatlong araw taliwas sa kaso ni Francis kung saan siya ay nakapag-aral at nakakapaglaro ng basketball bago nagkasakit limang araw pagkatapos ng insidente.

“Kung ganun nga kalakas at naka impluwensya na ang physical na ginawa ng teacher na yun, dapat magkaroon ng external manifestation like pasa, sugat, [o] gasgas. Doon sa kwan, wala,” ani Antipolo Child Protective Services Chief Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo.

“This will be unpopular, pero hindi ko maatim na bilang hepe ng imbestigador na magfa-file tayo ng homicide,” ayon pa sa pulisya.

Bagama’t sinabi ng PNP na ang resulta ay na-double-check na ng grupo ng mga eksperto, malugod namang tinatanggap ng pamilya na muling kumpirmahin ang resulta sa iba pang ahensya tulad ng NBI.

Samantala, maaari pa ring kasuhan ang gurong sangkot sa pananampal dahil sa umano’y child abuse. RNT

Previous articleObispo tutol sa pagbabalik ng STL sa NegOr
Next articleMga holiday sa 2024 inilabas na ng Malakanyang