Home NATIONWIDE PNP: Focus crimes bumaba mula Sept. 1 ‘gang Dec. 19

PNP: Focus crimes bumaba mula Sept. 1 ‘gang Dec. 19

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 18 porsyentong pagbaba sa focus crime incidents mula Sept. 1 hanggang Dec. 19 ng kasalukuyang taon.

Batay sa pinakabagong datos hanggang nitong Miyerkules, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na 10,268 focus crimes ang naitala sa nasabing period kumpara sa 12,554 krimeng naiulat sa parehong period noong 2022.

Mula Jan. 1 hanggang Dec. 19 ng taong ito, nakapagtala ang kapulisan ng 37,089 focus crime incidents o mas mababa ng 8.22 porsyento kumpara sa 40,411 insidenteng naitala sa parehong period noong 2022.

Tumutukoy ang focus crimes sa murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft.

“Crime incidents are on a downtrend, especially during the ‘ber’ months, we have seen an almost 20 percent drop and we are expecting that through the cooperation of force multipliers, other law enforcement agencies and our people, crime incidents would continue to drop,” ani Fajardo sa isangpress conference sa Camp Crame. RNT/SA

Previous article3 nagpanggap na tauhan ng senador abswelto sa estafa
Next articleYana, nangakong hindi iiwan ang manager!