MANILA, Philippines — Naka full-alert status na ang Philippine National Police (PNP).
Ito ay dalawang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Bunsod nito, aasahan na ang mas mahigpit na seguridad ng PNP sa mga lugar na inilagay sa red category ng areas of concern ng Commission of Elections (Comelec).
Mas mahigpit ding ipatutupad ang mga checkpoint at gun ban sa ilalim ng status.
Matagal nang nailatag ng kapulisan ang seguridad para sa halalan. RNT