Home NATIONWIDE PNP makatatanggap ng drones, drone jammers  

PNP makatatanggap ng drones, drone jammers  

MANILA, Philippines- Makatatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang drones na inaasahang makapagpapaigting sa surveillance at operational capability nito, ayon sa top police official sa paglagda ng memorandum of agreement sa isang pribadong kompanya.

Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda na halos P10 milyong drone donation kabilang ang drone jammers ang ipinangako ng Okada Foundation, Inc. sa pamamagitan ni Tiger Resort, Leisure and Entertainment, Inc president James G. Lorenzana.

Wika pa niya, maglalaan din ng hiwalay ng P9.98 milyong donasyon para sa Radio Communication Equipment.

“By providing funds for essential equipment such as radio communication devices, drones, and jammers, we are prepared to confront the evolving challenges of modern policing,” ani Acorda.

Noong 2019, ikinasa ni dating PNP chief Archie Gamboa ang pagbili ng 51 drones para sa national police dahil sa kahalagahan umano ng pagkalap ng advance na impormasyon sa terrain at iba pang mahahalagang detalye bago i-deploy ang kapulisan sa ilang lugar para magsagawa ng police operations upang maiwasan ang pananambang.

“Basically, drones are used for tactical purposes. In the case of Metro Manila, for securing big events,” pahayag ni Gamboa sa isang panayam noong 2019. 

Si Gamboa rin ang nagpasimula ng pagsasanay at paglikha ng “pool of drone pilots,” partikular na ang mga miyembro ng Special Action Force (SAF) at ng Maritime Group. RNT/SA

Previous articleTeejay, pabitin sa kissing scene with Kelvin!
Next article#WalangKuryente sa ilang bahagi ng Tondo, Manila sa Peb. 21