Home NATIONWIDE PNP nagpakalat ng 3K pulis sa transport protest

PNP nagpakalat ng 3K pulis sa transport protest

MANILA, Philippines – Mahigit 3,000 police personnel ang ipinakalat upang siguruhin ang kaligtasan ng publiko sa nagpapatuloy na transport protest na inilunsad ng Manibela at Piston.

Ang naturang protesta ay upang hamunin ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng pamahalaan.

“Around 3,722 [were deployed for the protest]. Around 175 mobility assets were also deployed,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Martes, Enero 16.

Bago rito, sinabi ng Manibela na nasa 15,000 indibidwal ang inaasahang lalahok sa kanilang transport protest. Magmamartsa ang mga ito mula Diliman, Quezon City patungong Mendiola sa Maynila.

Ayon kay PNP chief Benjamin Acorda Jr. nitong Lunes, wala pa silang namomonitor na anumang banta kaugnay ng protesta, maliban sa posibilidad ng pagka-paralisa ng public transportation sa Metro Manila.

“I am encouraging, especially those who will be participating in this protest or activity, that we do this peacefully and that no one will be harmed,” ani Acorda sa press conference. RNT/JGC

Previous articleSen. Tolentino: Ang jeep ay ‘di flat nose, ‘di baby bus, ‘di coaster
Next articleGinang arestado sa carnapping sa QC