MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang 22 suspected election-related incidents para sa barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
“As of 8 a.m. today, nakapagtala na tayo ng 22 suspected election-related incidents. 11 ay validated na non-election related incidents [while] two validated na election related,” pahayag ni PNP spokesperson PCol Jean Fajardo sa mga mamamahayag.
“[Ang] siyam na nakalista bilang pinaghihinalaang mga insidente na may kinalaman sa halalan habang nangyayari pa ang validation kung ang siyam na kaso ay maaaring i-classify bilang election-related o hindi,” dagdag pa ng opisyal.
Sinabi ni Fajardo na dalawang insidente ang na-validate, kabilang ang isa sa Libon, Albay kung saan ang biktimang si Alex Repato, re-electionist chairman ng Barangay San Jose, ay binaril ng mga armadong lalaki.
Binaril si Repato sa kanyang bahay sa unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) noong Agosto 28.
Pinigilan din umano ang isa pang aspirant na maghain ng kanyang COC sa Malabang, Lanao del Sur, ani Fajardo.
Sinabi niya sa 22 suspected incidents, siyam na insidente mula sa Central Luzon, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Caraga ay napatunayang walang kaugnayan sa darating na halalan habang siyam na iba pa ay para sa validation.
Dagdag pa ni Fajardo na nakumpiska ng mga awtoridad ang 286 na baril noong 6 a.m. Lunes alinsunod sa gun ban, at idinagdag na ang PNP ay nagtatapos pa rin ng data sa mga naaresto.
Ang gun ban ay ipinatupad sa panahon ng halalan sa Agosto 28 hanggang Nob. 29. RNT