MANILA, Philippines- Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nakapagtala ito ng 18 election-related incidents sa buong bansa hanggang alas-12 ng hatinggabi nitong October 20.
Kabilang dito ang 12 shooting incidents, dalawang kidnapping cases, at tig-isang grave threats, indiscriminate firing, paglabag sa gun ban, at armed encounter.
Karamihan sa election-related violence ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region na may apat na insidente, sinundan ng Region 8 – Eastern Visayas at Region 10 – Northern Mindanao sa tig-tatlong kaso.
Sa 18 kaso, pito ang ini-refer sa prosecutor’s office, walo ang iniimbestigahan, isa ang inihain sa korte, at dalawa ang tumangging magsampa ng kaso.
Samantala, mayroong karagdagang 13 naitalang hinihinalang election-related incidents; ttig-dalawang shooting, physical injury, assault, paglabag sa gun ban, mauling, at tig-isang harassment, stabbing, at armed encounter.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Region 6 – Western Visayas na may tig-tatlong kaso na sinundan ng Region 8 sa dalawang kaso.
Pito sa mga kaso ang iniimbestigahan, dalawa ang ini-refer sa prosecutor’s office, dalawa ang naayos, isa ang inihain sa korte at isa ang naresolba.
Nakapagtala rin ang PNP ng 66 non-election-related incidents, na kinabibilangan ng shootings, assaults, robbery, at iba pa. RNT/SA