MANILA, Philippines- May kabuuang 35 insidente ng karahasan na hinihinalang may kaugnayan sa dating na Barangay and Sangguniang Kabataan (BSKE) elections ang naitala, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.
Sa isang press conference, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na apat lamang sa nasabing bilang ng insidente ang naberipila na konektado sa darating na halalan.
“As of 12 a.m. of September 16, 35 na po iyong recorded incidents,” sabi ni Fajardo.
“Twelve po diyan, suspected election-related incidents. Apat pa rin po iyong ating validated election-related incidents. At 19 po ang validated non-election-related incidents,” dagdag niya.
Inihayag ni Fajardo na sa apat na naberipikang election-related incidents, tatlo ang shooting incidents, at isa ang insidente ng alarm and scandal.
Sumasailalim ba ang 12 insidente sa beripikasyon kung may koneksyon ang mga ito sa sa eleksyon na kainabibilangan ng pitong shooting incidents, dalawang physical injuries, isang hacking, isang robbery, at isang alarm and scandal incident.
Samantala, natuklasan walang kaugnayan sa eleksyon ang 19 insidente na kinabibilangan ng walong shooting incidents, tatlong stabbing incidents, dalawang robberies, isang alarm and scandal incident, isang gun ban violation, isang child abuse, at isang unjust vexation incident.
Hanggang nitong Linggo, sinabi ni Fajardo na 682 indibidwal ang naaresto dahil sa gun ban violations at 422 armas ang nakumpiska.
Matatandaang isinailalim ng PNP ang 27 areas of election concernsa “red” category para sa October 2023 BSKE.
Tumutukoy ang red category sa mga lugar na may isa o higit pang salik na pasok sa ilalim ng yellow category at serious armed threats mula sa local terrorist groups.
Nauna nang inihayag ni PNP Directorate for Operations Police Brigadier General Leo Francisco na hindi bababa sa 4,085 lugar ang nasa yellow category, habang 232 ang nasa orange category.