Home NATIONWIDE PNP nakapagtala ng 7 kaso ng illegal discharge of firearms

PNP nakapagtala ng 7 kaso ng illegal discharge of firearms

MANILA, Philippines- Nasa pitong insidente ng illegal discharge of firearms ang naiulat bago ang New Year celebration, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na dalawang pulis, dalawang sundalo, isang sibilyan at dalawang hindi natukoy na indibidwal ang sangkot sa mga insidente.

“Mula noong December 6 hanggang kahapon po ay may naitala na po tayong pitong insidente ng illegal discharge of firearms,” ani Fajardo.

“Dalawa nga pong pulis at dalawang sundalo ang kasama po dyan sa listahan na iyan.”

Naiulat ang insidente sangkot ang dalawang pulis sa Davao at Manila.

Isa sa kanila ang tatlong beses nagpaputok ng baril sa labas ng kanyang tahanan dahil sa problema sa pamilya. Nagpaputok din ng baril ang isa pang pulis nang balewalain ng ilang residente ang pananaway niya sa mga nag-iingay..

Ginamit ng dalawa ang kanilang service firearms sa mga insidente, ayon kay Fajardo. Kinumpiska na ang nasabing mga baril.

Maliban sa dalawang hindi natukoy na suspek, naaresto na ang mga sangkot sa insidente at nahaharap sa criminal complaints.

Nitong Lunes, sinabi ng PNP na naiulat na nasugatan ang isang indibidwal dahil sa illegal discharge of firearms. RNT/SA

Previous articlePBBM nakahakot ng P4T investments mula sa foreign trips
Next articlePubliko pinag-iingat ng VP Sara sa scammers na gumagamit ng kanyang pangalan