Home NATIONWIDE PNP organizational reform bill tutugon sa law enforcement concerns – Abalos

PNP organizational reform bill tutugon sa law enforcement concerns – Abalos

MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na ang batas na naglalayon na magsagawa ng organizational reform sa Philippine National Police (PNP) ay makatutulong na tugunan ang mga umuusbong na hamon sa  law enforcement sa bansa. 

“The multitude of reforms provided in this bill are anchored on the needs of the PNP and the communities, and it will also fortify the capabilities of our police force to ensure the safety and security of the Filipino people,” ayon kay Abalos sa isang kalatas. 

Araw ng Martes nang umarangkada ang Senate Bill (SB) 2449, iniakda ni retired PNP chief at ngayon ay Senador Ronald dela Rosa sa plenaryo ng Senado.

“This measure will lead to the first comprehensive legislative reform of the PNP since 1998,” pahayag ni Abalos. 

Layon ng SB 2249 na amyendahan ang Republic Act (RA) 6975 o DILG Act of 1990 at ang  8551 o ang PNP Reorganization Act of 1998. 

Ang nasabing Senate bill ay counterpart measure ng House Bill 8327 na nakalusot na sa Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa noong Agosto. 

Layon nitong magpatupad ng restructuring sa PNP sa pamamagitan ng pagbuo ng mga dagdag na tanggapan gaya ng PNP Directorial Staff, Area Police Command, Special Offices, at palakasin ang National Administrative and Operational Support Units. 

Ililipat din ng batas ang kapangyarihan na magtalaga ng chief of police mula sa alkalde at gobernador sa PNP chief. 

Isa pang mahalagang probisyon ng batas ay bigyan ng karapatan ang PNP chief na agad na ipag-utos ang preventive confinement ng mga pasaway na police personnel, na para kay dela Rosa ay makapagbibigay ng tamang disiplina at responsibilidad sa loob ng organisasyon. Kris Jose

Previous articlePCG sa mangingisdang Pinoy: Presensya sa Scarborough Shoal, panatilihin
Next articleDFA pinakikilos sa akusasyon ng Tsina vs Pinas sa Scarborough Shoal