Home NATIONWIDE PNP pinabibili ng mas mura pero de-kalidad na body cam

PNP pinabibili ng mas mura pero de-kalidad na body cam

234
0

MANILA, Philippines – Hindi kailangang gumastos ng malaki ang Philippine National Police (PNP) para sa body cameras dahil maraming mas mura ngunit de kalidad na klase, ito ang payo ni Sta Rosa Laguna Rep Rep San Fernandez kung saan maaari umanong matipid ang budget ng kapulisan.

“Magpu-purchase tayo in the real price. Hindi P26,000. Pumunta tayo sa presyong talagang high brand na mura. Kasi ang GoPro P20,000 lang pero high specs,” pahayag ni Fernandez na isinagawang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety.

Ayon kay Fernandez, Chairman ng nasabing komite, nasa P25,950 ang bili sa body camera ng PNP, lubha itong mahal, aniya, nang ito ay mayor ay nakabili din ng de kalidad na body cameras sa halagang P8,000.

“Sana next time pagbili natin make it sure na yung brand natin is brand na medyo maganda kasi kapag titignan mo halos yung presyo natin na prinocure natin na P26,000 makakabili na tayo nung brand na the best na talaga,” giit nito.

Advertisement

Sa ilalim ng 2018 General Appropriations Act ay nasa P333.994 million ang alokasyong budget ng PNP para sa body-worn cameras at 2,696 units ang nabili habang ang P108 milyon pa sa natirang pondo ay isinauli sa Bureau of Treasury.

Ikinalungkot ni Fernandez ang “unutilized funds” para sa body-worn cameras na dapat sana ay nagamit ng maayos ang pondo.

Sa kasalukuyan ay nasa 43,000 ang backlogs sa body worn cameras subalit sa 2024 budget ay nasa 2,000 units lamang ang ipinapanukalang bilhin ng PNP.

Ang pagsusuot ng body cameras ng kapulisan ay iniutos ng Korte Suprema sa kanilang isasagawang mga police operations. Gail Mendoza

Previous articleVessel test expedition ng BFAR sa N. Samar, nakakuha ng 1.5 tonelada ng tuna
Next articleLibreng sakay sa QC, permanente na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here