Home NATIONWIDE PNP Reform Bill lusot sa final reading ng Senado

PNP Reform Bill lusot sa final reading ng Senado

MANILA, Philippines- Nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukalang batas na naglalayong ipatupad ang organizational reforms sa Philippine National Police (PNP), nitong Lunes.

Sa 23 affirmative votes, walang negative votes at zero abstention, pinagtibay ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa panukalang Senate Bill No. 2249 o ang pag-amyenda sa PNP Reform and Reorganization Act of 1998.

Pinuri ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ang sponsor ng bill, ang pagpasa ng panukala na magpapatupad ng “much-needed” na pagbabago sa puwersa ng pulisya.

“After all these years, finally, the PNP organizational reforms we sought to introduce are being materialized. They’re beginning to see the light of day. I hope we can all welcome that day together when this measure is passed into law soon enough,” ayon kay dela Rosa sa kanyang speech.

Inaamendahan ng SB 2249 ang Republic Act 6975 o ang Department of Interior and Local Government Act of 1990 kabilang ang Republic Act 8551 o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998.

Sa ilalim ng panukala, magiging permanente na ang opisina na nilikha ng National Police Commission (Napolcom) ang: Directorial Staff, Area Police Command, Special Offices, at pagpalakas ng National Administrative and Operational Support Units.

Tutugunan din ng panukalang batas ang karahasan at patayan ng ilang government officials sa pamamagitan ng paglilipat ng kapangyarihan sa pagtatalaga ng chief of police mula sa alkalde at gobernardor sa PNP chief.

Pananatilihin at itataguyod ng panukala ang umiiral na prinsipyo ng local autonomy upang mataiyak na hawak ng local government units operational supervision at control sa PNP units sa nasasakupan pagkatapos mainomina ang Chief of Police ng PNP chief.

Itataas din ang status at pangangasiwa ng PNP Academy at kanilang kadete at tutudlain ang compulsory age of retirement para sa PNP katulad sa Armed Forces of the Philippines sa edad na 57. Ernie Reyes

Previous articleNDRRMC: 1.1M indibidwal apektado ng LPA trough sa Mindanao
Next articleBoyet, hindi na-nominate as best actor, kinuwestyon!