Home NATIONWIDE PNP sa gun owners: Baril iparehistro para iwas-kalaboso

PNP sa gun owners: Baril iparehistro para iwas-kalaboso

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa gun owners na tiyaking rehistrado ang kanilang baril upang maiwasan ang legal problems tulad ng nangyari sa 51-anyos na lalaking naaresto sa isang operasyon sa Roxas, Oriental Mindoro.

Sinabi ni Capt. Clyde Kalyawen, hepe ng Roxas Municipal Police Station, nag-ugat ang operasyon sa isang tip-off na hawak ng isang suspek ang baril subalit sa beripikasyon ay napag-alamang wala siyang permit para magmay-ari nito.

Kaya naman, naglabas ng search warrant na nagresulta sa pagkakakumpiska sa isang .45 pistol at ilang mga bala.

Ani Kalyawen, kasalukuyang nakaditene ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic ACT 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) na may parusang hindi bababa sa 12 taong pagkakakulong.

“I commend the collaborative efforts of our fellow PNP counterparts in successfully apprehending the individual involved in the illegal possession of firearms. We vow to continue our relentless efforts to curb illegal firearms possession and maintain peace and order in Roxas, Oriental Mindoro,” ani Kalyawen. RNT/SA

Previous articleGrupong dadalo sa People Power anniversary ‘hinarang’ ng mga pulis
Next articleLianne, aminadong pinagpalit ng ex sa iba!