Home NATIONWIDE PNP walang impormasyon sa banta sa buhay ni Quiboloy

PNP walang impormasyon sa banta sa buhay ni Quiboloy

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na wala itong impormasyon sa umano’y banta sa buhay ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy, base sa religious leader.

“Sa ngayon, except for his pronouncement, wala pong natatanggap na information ang PNP with respect to the threat against his life,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang press conference.

Ani Fajardo, kung si Quiboloy ay mayroong “basis for his claim,” handa ang PNP na tiyakin ang kanyang seguridad kung hihilingin niya ito.

“As always po, not limited to him, lahat po ng talaga, whether it is a government official or ordinary citizen na may natatanggap po na banta sa kanyang buhay, ay lagi naman pong ready mag-provide ang PNP po ng appropriate security if there is a request for one po,” anang opisyal.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang kampo ni Quiboloy ukol dito.

Nauna nang inakusahan ni Quiboloy ang United States government, sa tulong umano ng Philippine government officials, ng pagpatay sa kanya sa pamamagitan ng rendition kaugnay ng kasong kinahaharap niya sa US. RNT/SA

Previous articlePrivate schools ‘di mandatoryong magpalit ng school calendar
Next articleVP Sara: School year adjustment sumailalim sa konsultasyon