Home NATIONWIDE PNR may adjusted hours ng train trips sa Bagong Taon

PNR may adjusted hours ng train trips sa Bagong Taon

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng adjusted operating hours ang Philippine National Railways (PNR) sa bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31, at sa mismong Bagong Taon, Enero 1.

Ngayong Disyembre 31, ang biyahe mula Tutuban hanggang Alabang ay magsisimula alas-5:06 ng umaga at ang last trip ay 3:06 ng umaga ng Enero 1.

Samantala, ang train trips mula Alabang hanggang Tutuban ay nagsimula alas-5:33 ng umaga ng Disyembre 31 at ang last train ay aalis 4:53 ng umaga ng Enero 1.

Sa Enero 1, ang Tutuban-Alabang trips ay magsisimula 10:26 ng umaga at ang last trip ay 8:36 ng umaga.

Habang ang Alabang-Tutuban trips ay magsisimula 12:13 ng hapon ng Enero 1 at ang last train ay aalis 8:03 ng gabi.

Maliban sa PNR, ang Metro Rail Transit 3 ay mayroong adjusted schedule ngayong holiday season. RNT/JGC

Previous articleWHO chief ‘very concerned’ sa lumulobong kaso ng infectious diseas sa Gaza
Next articleNoKor planong maglunsad ng 3 pang reconnaissance satellites sa 2024