Naghain ng resolusyon si Senador Grace Poe na humihimok sa Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) na tugunan ang mga insidente ng “Bukas Maleta” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“‘Bukas Maleta’ incidents in our airports should not be the norm and must be properly address by the Department of Transportation and the Manila International Airport Authority, in accordance with the redress provided under the Air Passenger Bill of Rights and the Montreal Convention, for the peace of mind of all air passengers sojourning our airports,” ani Poe sa inihaing Resolution 463.
“Existing protocols in handling passenger baggage in airports must be evaluated and strengthened considering that these incidents reinforce our unfortunate image as the world’s worst airport, and, ultimately, affect the country negatively,” dagdag niya pa rito.
Binanggit ni Poe ang maraming ulat ng mga ninakaw na gamit at mga nasira na bagahe ng mga pasahero sa eroplano pagdating sa NAIA, partikular ang mga kaso ng mga pasaherong sina Efren San Seastian, Ady Cotoco, vlogger Vanjo Merano, at aktres at Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez.
“Ang mga insidenteng ito ay nagpapatunay na ang mga ninakaw at nasirang bagahe ay paulit-ulit na problema sa NAIA. Noong 2015 pa lang, natagpuan na ng mga airport intelligence agents ang [alahas], wristwatches, kumot, at ilang padlock sa loob ng locker ng anim na baggage handler sa NAIA Terminal 3,” dagdag pa ni Poe.
Dagdag pa ng senador, negatibong nakaapekto sa ekonomiya at reputasyon ng Pilipinas sa international community ang mga ganitong insidente, na naging dahilan upang hindi makapasok sa bansa ang mga dayuhang turista at mamumuhunan. RNT