Home ENTERTAINMENT Pokwang, ibinidang iboboykot ang movie ni Lee!

Pokwang, ibinidang iboboykot ang movie ni Lee!

412
0

Manila, Philippines – ‘Di pa man ipinalalabas, tila ipinagbubunyi na ni Pokwang ang banta raw ng kanyang mga tsgahanga na iboykot ang pelikula ni “Jinx.”

Ang “Jinx” na tinutukoy ng komedyana sa kanyang Instagram account ay may iba pa ba kundi ang dating karelasyong si Lee O’Brian?

Post ni Pokwang na kunwari’y nababahala: “So, paano na ‘yan? Iboboykot daw ng mga fans ko ang pelikula ni Jinx?”

Kabilang daw dito ang mga followers ni Lee na nag-unfollow na sa kanya.

Ang dating 232k ay naging 216k na lang.

Papel na tatay ng isa sa mga bidang lalaki ang ginagampanan ni Lee.

Pero sa pagkakaalam ng marami, ang pelikulang Sandwich kung saan nasa cast si Lee ay hindi ipapalabas sa mga commercial theatres kundi sa streaming app.

In that sense, magkaroon kaya ng impact ang bantang boycott ng mga sympathizers ni Pokwang?

Samantala, muli na namang pinatunayan ni Lee kung sino sa kanila ni Pokwang ang mas may breeding.

Ayon ito sa maraming netizens base sa ipinost na pagbati ni Lee sa mga ina nitong Mother’s Day.

Part of Lee’s post read: “Happy Mother’s Day to my own, to the mother of my child, to my aunts, cousins and friends. Without you, we wouldn’t literally be here. Thanks for what you do.”

Napuri si Lee ng isang netizen for having class and breeding kung ikukumpara rin lang daw kay Pokwang.

Wala kasing bukambibig ang komedyana kundi hamakin ang pagkatao ni Lee nang hindi man lang niya isinasaalang-alang ang katotohanang magulang din ito ng anak na si Malia.

Dito pa naman sa lipunan natin, mas nakakakuha ng simpatya ang mga underdog tulad ni Lee.

‘Yun nga lang, mukhang wapakels si Pokwang kahit negatibo pa ang imahe niya.

The more na sosoplahin pa ni Pokwang ang mga pro-Lee! Ronnie Carrasco III

Previous articleMalampaya Consortium, nangako ng $600M sa exploration, drilling – DOE
Next article3 year validity registration sa mga motorsiklong 200cc pababa, ipoproseso na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here