Home ENTERTAINMENT Pokwang, may banta na naman kay Lee!

Pokwang, may banta na naman kay Lee!

Manila, Philippines- Ang pinakamalaking pagkakamaling maaaring gawin ni Lee O’Brian ay magtangkang bumalik sa Pilipinas.

Nagpauna na ang dating karelasyon ng American actor na si Pokwang sa maaaring mangyari sa ama ng kanilang anak na si Malia.

Ayon sa tsika ni Ogie Diaz, huwag magkakamaling bumalik ni Lee sa Pinas or else ay may asuntong naghihintay daw sa kanya.

Paglabag sa karapatan against women and children daw ang kasong kahaharapin ni Lee, ayon na rin kay Pokwang.

Hanggang ngayon nga, kahit nakabalik na sa US si Lee ay kumukulo pa rin ang dugo ng komedyana.

Pinapatulan pa rin ni Pokwang ang mga nagtatanggol kay Lee sa social media.

Ang latest, nakarating sa kaalaman ni Pokwang na may ibang karelasyon na raw si Lee.

At take note, abala raw si Lee sa pag-aasikaso ng kanilang kasal.

As for Pokwang, wala raw siyang pakialam sa gustong gawin ni Lee sa kanyang buhay.

Nanggagalaiti pa rin kasi ang komedyana dahil magpahanggang ngayon ay wala pa ring ipinadadalang sustento si Lee sa kanilang anak.

Lalo pang nadagdagan ang galit ni

Pokwang nang magdilang-anghel siya tungkol sa Instagram account ni Malia na nasa pag-iingat ni Lee.

Nagkatotoo raw ang hinala niyang gagamitin ito ni Lee noong Father’s Day para kunwari’y binati siya ni Malia, when in facts ay si Lee rin ang bumati sa kanyang sarili to gain public sympathy.

Basta anything about Pokwang sa isyu nila ng naipa-deport na niyang si Lee ay nakakaumay na! Ronnie Carrasco III