Home ENTERTAINMENT Pokwang, minasama ang pagbati ni Lee kay Malia!

Pokwang, minasama ang pagbati ni Lee kay Malia!

Manila, Philippines – Buong akala ng marami’y kahit paano, humupa na ang galit ni Pokwang kay Lee.

Wala na kasing nababasang anti-Lee sa mga posts ng komedyana sa social media…until their daughter turned 6 recently.

Nauna munang nagpost si Pokwang ng kanyang undying love para sa dalawang anak.

Aniya: “Wala akong hindi gagawin para sa inyo ni ate. Lahat susuungin ko.”

Okey na sana ang pagpapamalas ni Pokwang ng kanyang motherly love until matisod niya ang pagbati ni Lee O’Brian.

Ani Lee: “Six years ago today was the best part of my life.”

Nangangahulugan lang na sa kabila ng nangyari sa mga magulang ni Malia ay hindi nagbago ang pagmamahal ni Lee sa anak.

Any parent would get emotional over Lee’s post, if not grateful for Pokwang dahil sa pagpapakaama ni Lee.

Pero sukat ba namang may hanash pa si Pokwang sa halip na purihin si Lee?!

Post ng komedyana: “Nagpapakaama na naman! Ang kapal!”

Kinuwestyon pa nito ang ‘di pa pagbubura ng video nilang mag-ina sa Leepok YouTube channel.

‘Yun daw ay dahil gusto pa ni Lee na pagkakitaan silang mag-ina, kaya paulit-ulit niyang pino-post na ang kapal daw ng dating karelasyon.

Kung matatandaan, nag-mellow na

Kung matatandaan, nag-mellow na si Pokwang on Lee.

Credit partly goes to her BFF and co-star in the MMFF entry Badette & Becky na si Eugene Domingo.

Ginawa pa ngang publicity hype ang “pagpapakabait” ni Pokwang kay Lee.

Akala ng lahat ay totohanan nang napatawad na niya si Lee, pero for the sake of their movie lang pala!

Kasimple-simpleng pagbati kay Malia sa kaarawan nito, minasama pa ni Pokwang!

Had Lee forgotten to greet Malia on her sixth birthday, eh ‘di lalong may hanash si Pokwang!

This comedienne talaga, oo… sala sa init, sala sa lamig! Ronnie Carrasco III

Previous articlePagbubukas ng covered court sa PSAU pinasinayaan ni Sen. Lapid
Next articleEx-mayor inihabla sa Ombudsman