Home ENTERTAINMENT Pokwang, nag-ala Lucy Liu!

Pokwang, nag-ala Lucy Liu!

Larawan mula sa X (@my_movieworld)

Manila, Philippines- Seryosong pabiro na sinagot ni Pokwang ang tanong ng ilang taga-media sa red carpet premiere night ng latest movie niya titled “Slayzone” kung nasaan na ang  sa ex-partner niyang si Lee OBrian.

Nanalo kasi si Pokwang sa deportation case na inihain niya  laban kay Lee.

Ayon kay Pokwang, nagliligpit na raw ng kanyang mga gamit si Lee dahil any moment ay kailangan na niyang umalis ng  bansa.

Maganda ang aura ng mukha ni Pokwang nu’ng titigan namin siya sa  special screening at mediacon ng “Slayzone.”

Marami naman ang ginulat  ni Pokwang sa  pagganap niya bilang pulis sa “Slayzone” mula sa direksyon ni Louie Ignacio under  Wide International Film Production.

Feeling Lucy Liu si Pokwang sa kanyang role sa “Slayzone” na palabas na sa mga sinehan.

Say ni Pokwang,  “Ang sarap! Ang sarap palang gumawa ng ganito. Hindi naman lingid sa inyo na dancer din talaga ako. Kaya kapag gumagawa ako ng mga fight scenes parang ano ‘yan eh,  para ka ring gumagawa ng dance step. So, nae-enjoy ko rin naman.

“In fact, sinabi ko kay Direk Louie ‘yung isang eksena, ‘yung may rape scene. Sabi ko, ‘Direk, ako na lang ang gagawa nito, ng fight scene. Kasi anong oras na. Para mabilis tayo.’  “Maganda naman po ang kinalabasan kasi ang galing po ng aming direktor.”

Ang iba pang cast members ng “Slayzone” ay sina Maui Taylor, Abed Green, Rico Barrera, Lou Veloso, Paolo Rivero, Queenay Mercado, Richard Armstrong, at may special participation si Kim Atienza, sa ilalim ng direksiyon ni Louie Ignacio.

Umapir at nagbigay suporta ang Kapuso actor na si Ken Chan sa red carpet  premiere ng “Slayzone” sa SM The Block.

Isa kasi si Ken sa nagma-mayari ng  Wide International Film Productions nina Pauline Publico at April Martin. Julie Bonifacio

Previous articleDuck hair clips para sa mga estudyante, guro walang kaso sa DepEd
Next articleDepEd walang naitalang hacking incident sa regional offices sa kabila ng ‘data leak’