Home ENTERTAINMENT Pokwang, nag-post ng before and after pic sabay hugot!

Pokwang, nag-post ng before and after pic sabay hugot!

332
0

Manila, Philippines – Sa latest post ni Pokwang sa kanyang Instagram account, marami ang nag-react at nagkomento sa isang hugot ng comedienne na pinaniniwalaang patungkol sa kanyang dating live-in partner na si Lee O’Brian.

Ibinahagi niya kasi rito ang kanyang picture, kung saan ikinumpara niya ang kanyang itsura noon sa histura niya ngayon.

Makikita sa first picture na may hawak siyang isang putahe na simpleng-simple lang ang histura niya, na wala siyang kaayus-ayos, habang sa isa namang litrato ay todo-make-up siya with matching bonggang OOTD.

Sabi ni Pokwang sa kanyang caption, “Ako noong halos walang oras para sa sarili maalagaan at mapakain ka lang hahaha. Ako ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili tah kaa!!!! BOOM!!!!”

O, ‘di ba, halatang patama ni Pokwang ang caption na ‘yun sa dating minamahal? Parang pinalalabas niya na noong nagsasama pa sila ni Lee ay hindi niya maayos at maalagaan ang sarili dahil sa pag-aasikaso niya rito.

Pero ngayong hiwalay na sila ay nagkaroon na siya ng time sa sarili para maging maganda ang awra.

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing mukha naman siyang maligaya kahit na pagod na pagod na siya. Nakikita raw niya ito sa mga mata ng komedyana.

Sabi ng netizen, “Pls don’t take it the wrong way po Miss Pokie pero iba po yung sigla ng mata mo sa first pic. You look genuinely happy. Eyes can’t lie.”

Sinagot siya ni Pokwang ng, “Genuine din kasi yung love na binigay ko kaya ganon.”

Isa namang IG user ang nagtanggol kay Pokwang, “I feel you po. nakakainis Yung mga kumukuda online giving feedbacks to your posts. Hayaan ka na lang nila maglabas ng kung ano ang gusto mo sabihin bcoz it’s your pain.

“Ginagawa ko din po yan. parang part ko po ng paghinga, paglabas ng nararamdaman, laban lang po and don’t be affected to those who invalidate your feelings,” ang komento pa ng netizen.

Reaksyon naman ni Pokwang, “Mga hindi busy mga walang magawa para umunlad ang buhay, hahaha, baka mas mayaman pa sila kay Bill Gates kaya walang alam gawin kundi mag-Marites sa mga post ko mga animal na yan.” Rommel Placente

Previous articleP1M pabuya alok sa kakanta sa suspek sa Davao rape-slay
Next articleHerlene, sasali sa MUPH!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here