Home ENTERTAINMENT Pokwang, nagbigay ng chance sa pagpapahiram sa anak kay Lee!

Pokwang, nagbigay ng chance sa pagpapahiram sa anak kay Lee!

Manila, Philippines – Natigilan at saka nangapa ng walang katiyakang sagot.

Imadyinin n’yo ang ganitong hitsura ni Pokwang which she displayed sa tanong kung papayag ba siyang mahiram ni Lee O’Brian ang kanilang anak na si Malia before he goes back to the US.

llang segundong at a loss for words ang komedyana, saka lang nakasagot.

“Tingnan natin kung dasurv!” aniya.

Nabalitaan daw kasi ni Pokwang na nagliligpit-ligpit na raw ng kanyang mga gamit ang dating karelasyon.

Matatandaang pinag-utos ng Bureau of Immigration ang deportation ni Lee bunsod ng inihaing petisyon ni Pokwang.

Nag-file naman si Lee ng motion para pansamantala munang manatili sa Pinas.

But Lee is reportedly packing his things, ready to go back where he came from.

“Para ‘yon sa kanya at sa akin. Para sa kapayapaan namin pareho,” palusot ni Pokwang.

Hindi ba niya naisip na baka hanapin ni Malia ang kanyang ama?

“Hindi. Hindi naman kasi siya nag-invest ng emosyon sa bata, so bakit siya hahanapin?” ayaw pa ring patinag na sagot niya.

Sa ngayon daw kasi’y hindi pa lubos na nauunawaan ni Malia ang mga kaganapan sa buhay ng mga magulang nito.

“Puro laru-laro lang siya. Darating din ‘yung time na ie-explain ko sa kanya, hindi pa ngayon,” paglilinaw ni Pokwang.

Wapakels din ang komedyana sa sinasabi ng mga netizens na hindi ang kapakanan ni Malia ang pinagmamalasakitan niya kundi sarili niyang interes.

Sana’y in time din ay bumalik ang sanidad sa utak ng komedyana! Ronnie Carrasco III

Previous articleKapatid ni Dom, nag-deny sa cryptic post!
Next articleAmihan magpapaulan sa Luzon