Home ENTERTAINMENT Pokwang, nagwagi; Lee, ipade-deport!

Pokwang, nagwagi; Lee, ipade-deport!

Manila, Philippines- It’s Pokwang’s gain and Lee

O’Brian’s loss.

Or is it more of Malia’s?

Nito lang December 23 ini-release ni Atty. Rafael Calinisan ng walong pahinang resolusyon na nag-uutos na ipa-deport si Lee sa Amerika.

Dinisisyunan na pala ito ng Bureau of Immigration nitong December 12.

Ito ‘y sagot sa isinampang reklamo ni Pokwang laban sa dating karelasyon at ama ng kanyang anak na si Malia.

Ayon sa inihaing reklamo ng Kapuso comedienne, panay lang renewal ng kanyang tourist visa ang ginagawa ni Lee.

Paglabag daw ito sa ating batas lalo na sa kaso ni Lee na patuloy na nananatili sa bansa dahil sa pinagkakaabalahang trabaho.

Hindi na rin pahihintulutang makabalik si Lee sa bansa dahil blacklisted na ito.

Kamakailan lang ay tila lumambot na ang puso ni Pokwang kay Lee.

Ito y makaraang pumayag na ang komedyana na maka-bonding ni Lee ang excited na si Malia.

Nilinaw naman ni Pokwang na ang kanyang pagpayag ay dahil gusto niyang makitang masaya si Malia.

Ang pagkakaroon ng initiative o kusang-palo ni Lee to fulfill his paternal obligations ang gusto ring mangyari ni Pokwang.

Sa naging desisyon ng Bl na talagang inilaban ni Pokwang ay maraming netizens ang nababahala para sa damdamin ni Malia.

Kung kailan pa naman daw nakakapag-establish na sila ng close father-and-daughter relationship ay saka pa ipade-deport si Lee.

Paanong paliwanag kaya ang gagawin ni Pokwang sa paraang mauuunawaan ni Malia? Ronnie Carrasco III

Previous articleKumpirmado: Kim at Xian, hiwalay na!
Next articleHerlene ‘Hipon Girl’ tinawag na ‘higad’!