Pole vaulter Obiena, tumanggap ng ayuda

Pole vaulter Obiena, tumanggap ng ayuda

May 23, 2020 @ 1:28 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

MANILA, PHILIPPINES – Tuloy ang pagsasanay ni pole vaulter EJ Obiena sa Formia, Italy para sa Tokyo Olympics, sa kabila na pwede na itong umuwi ng Pilipinas kapag inalis na ang travel restrictions, matapos aprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang dagdag ayudang P2 million budget para sa kanyang training.

Matatandaang nagbalik sa Italy si Obiena upang ipagpatuloy ang pagsasanay para sa Olympics matapos masungkit ang gold medal sa 2019 Southeast Asian Games noong Disyembre.

Sa ngayon inamin ni Obiena na hirap sila sa pagsasanay dahil sa nararanasang problemang dulot ng COVID-19 Pandemic.

Sinabi ni Obiena na walang kasiguraduhan kung kailan ang kanyang laro pero sa ngayon ay gagawin umano niya ang lahat para masiguro ang panalo sa pagsabak niya sa Tokyo Olympics.

Ayon kay Philippine Track and Field Association (Patafa) president Philip Juico ang supplemental budget ay ilalaan sa accommodations ni Obiena sa Italy. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Loading...