MANILA, Philippines – Itinumba ng hindi pa tukoy na mga suspek ang isang police intelligence officer sa General Santos City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si
PMSg Archie Licanto na binaril-patay habang pasakay ng sasakyan nito sa tapat ng isang restaurant sa Quezon Avenue, Barangay Dadiangas North, ng nasabing lungsod Miyerkules ng gabi, Mayo 17.
Batay sa report, nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa katawan at ulo nito.
Narekober ng mga awtoridad ang pitong bala mula sa .45 caliber pistol sa pinangyarihan ng pamamaril.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng General Santos City Police kaugnay ng insidente. RNT/JGC