Home METRO “Police intern” timbog sa holdap

“Police intern” timbog sa holdap

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking nagpanggap na police intern at nangholdap ng sanglaan sa Paso De Blas, Valenzuela City nitong Disyembre 28.

Kinasuhan ng attempted robbery, paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at illegal use of uniform and insignia si “Jeramos,” 26, residente ng Bisalao, Bagbaguin, ng lungsod. Nasamsam sa kanya ang isang kalibre .38 na may tatlong bala at PNP cap.

Nagpanggap na kostumer ang suspek na nakasuot ng unipormeng may nakasulat na “criminology intern” at PNP cap saka nagdeklara ng holdap sabay tutok ng baril sa security guard.

Inabot ni Jeramos ang isang eco bag sa biktimang si ‘Michelle’ at sinabing doon ilagay ang mga alahas at pera. Tinangka pa umanong basagin ng suspek ang salamin ng sanglaan kung saan naroon sa loob si Michelle.

Nag-delaying tactics ang biktima at inilagay mga alahas isa-isa sa isang tray habang kinakausap ang suspek, at habang nalililibang ang dinakip ay pinindot alarm ng sanglaan na nakakonekta sa kanilang main office na siyang tumawag ng pulis. Merly Iral

Previous articleBawal paputok sa QC!
Next articleMas mabilis na paghahatid ng National IDs ipinangako ng PSA