Home HOME BANNER STORY Police major, local gov’t official person of interest sa pagpatay sa OrMin...

Police major, local gov’t official person of interest sa pagpatay sa OrMin brodcaster

MANILA, Philippines – May tatlong persons of interest na ang kapulisan sa pagpatay sa brodkaster sa Oriental Mindoro kung saan kabilang dito ang isang police major at lokal na opisyal ng gobyerno sa nasabing probinsya.

Ani Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Paul M. Gutierrez na bukod sa police major, dapat ding hilingin sa kanyang malapit na kasama sa isang lokal na “peryahan” (fun fair) na magbigay-liwanag sa pagpatay kay Crescenciano “Cris” Bundoquin.

Nitong Lunes, inirekomenda na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang kasong kriminal laban sa sinasabing gunman na si Isabelo Lopez Bautista, 45, may asawa, residente ng Barangay Alcadesma, Bansud, Oriental Mindoro.

Si Bautista ay nananatiling at-large at ngayon ay paksa ng malawakang manhunt ng pulisya sa halos isang linggo na ngayon.

Si Bundoquin, 50-anyos na radio block timer ng DWXR 101.7 Kalahi FM, ay binaril at napatay sa harap ng kanyang tindahan sa Barangay Santa Isabel bago madaling araw noong Mayo 31.

Patay naman ang isa sa mga suspek na si Narciso I. Guntan, ng Paclasan, Roxas, matapos habulin sila ng anak ni Bunduquin at si Bautista na sakay ng kotse at aksidenteng nabangga ang motorsiklo ng mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ni Guntan.

Sinabi ng pulisya na si Guntan ang driver ng motorsiklo, isang Honda XRM125 na may plakang DD22153. Ang umano’y gunman na si Bautista ay ang back rider na tumakas habang naglalakad.

Ang pagsisiyasat sa background na ginawa ng SITG-Bunduquin ay nagsabi na si Guntan ay nahatulan ng paglabag sa batas sa mapanganib na droga noong 2015 ngunit pinalaya pagkalipas ng isang taon matapos siyang pumasok sa isang plea-bargaining agreement.

Sinabi ni Police Col. Samuel Delorino, hepe ng Oriental Mindoro police, na may frustrated murder case si Guntan noong 2016 na inihain sa korte sa Roxas, Oriental Mindoro.

Nakuha ng pulisya ang pagkakakilanlan ni Guntan sa pamamagitan ng nakuhang identification card mula sa kanya. Narekober din sa toolbox ng motorsiklo ang isa pang ID, larawan, at iba pang personal na gamit.

Sinabi ni Gutierrez na ang isa pang person of interest ay isang opisyal ng probinsiya na umano’y nagpapatrabaho kay Bautista paminsan-minsan bilang driver at binatikos din umano ni Bundoquin dahil sa kanyang programa sa radyo. RNT

Previous article21-players ng Gilas Pilipinas na isasabak sa FIBA World Cup, inilabas na
Next articlePagbabalik ni head coach Weiss inanunsiyo ng Azkals