MANILA, Philippines – Nagdesisyon ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Huwebes, Hunyo 22 na panatilihin ang policy rates sa ikalawang sunod na pagpupulong.
Kasunod ng policy meeting, sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla na pinanatili ng Monetary Board ang key rate para sa overnight deposit facility sa 5.75%, overnight borrowing facility sa 6.25%, at overnight lending facility sa 6.75%
Ito ay kasunod ng pagtaya ng BSP na mas babagal pa ang inflation sa average na 5.4% ngayong taon, mas mabagal sa 5.5% na pagtaya nito sa pagpupulong noong Mayo.
Naitala sa 6.1% ang inflation noong Mayo, ito na ang ikaapat na sunod na buwan ng pagbagal ng inflation at pinakamababa mula sa 6.4% na naitala noong Hulyo 2022.
“Given these considerations, the Monetary Board deems it appropriate to maintain current monetary policy settings to allow the BSP to further assess how inflation and domestic demand have responded to tighter monetary conditions,” ani Medalla. RNT/JGC