Home NATIONWIDE Polish national na sangkot sa droga, inaresto ng BI

Polish national na sangkot sa droga, inaresto ng BI

253
0

MANILA, Philippines – Inaresto nitong Miyerkules, Hulyo 12, ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang lalaking Polish na wanted sa kanyang bansa dahil sa mga krimeng may kinalaman sa droga.

Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, kinilala ni fugitive search unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy ang dayuhan na si Mateusz Lukasz Pluta, 27, na inaresto sa Purok Uno, Can-asagan sa San Juan, Siquijor.

Inaresto si Pluta bunsod ng mission order na inilabas ni Tansingco matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Philippine Center on Transnational Crime tungkol sa kanyang mga krimen.

“He is reportedly wanted in Poland for counteracting drug addiction and offense against safety in traffic violation, in violation of the Polish penal code,” saad ng BI.

Pansamantalang ikukulong sa San Juan Police Station ang lalaking Polish bago ito ilipat sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig.

Ayon kay Tansingco, nahaharap si Pluta sa summary deportation proceedings matapos kilalanin ng kanilang gobyerno bilang isang pugante.

Sa pagpapatapon pabalik ng kanilang bansa ay isasama ang inarestong dayuhan sa blacklist ng BI para hindi na ito makabalik. JAY Reyes

Previous articleFlood, landslide alert itinaas sa bagyong Dodong
Next articlePAO chief nag-sorry sa SC sa ma naging pahayag sa social media

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here