Home NATIONWIDE Political violence sa Ecuador, kinondena ni Pope Francis

Political violence sa Ecuador, kinondena ni Pope Francis

ECUADOR – Kinondena ni Pope Francis ang assassination o pagpaslang sa kandidato sa pagkapangulo ng Ecuador na si Fernando Villavicencio at nanawagan na wakasan ang karahasan sa politika sa bansa sa South America.

Si Villavicencio ay dating mambabatas at lumalaban bilang anti-corruption journalist, ay pinatay nang umalis siya sa isang campaign event noong Miyerkules, wala pang dalawang linggo bago ang halalan sa Agosto 20.

Nanawagan ang Kanyang Kabanalan sa lahat ng mga mamamayan at pwersang pampulitika na magkaisa sa isang pagsisikap para sa kapayapaan.

“In the face of the suffering caused by unjustifiable violence, which he condemns unreservedly, His Holiness calls upon all citizens and political forces to unite in a common effort for peace,” sabi ng Vatican sa telegram ng condolence na ipinadala kay Archbishop Alfredo José Espinoza Mateus ng Quito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleParañaque LGU, MTRCB lumagda ng MOU
Next article70% ng mga Pinoy, nais ng mapayapang paraan sa pagresolba sa territorial rights