Home NATIONWIDE Poll materials ligtas sa ‘Palacio’ building fire – Comelec

Poll materials ligtas sa ‘Palacio’ building fire – Comelec

195
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na walang materyales para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang naapektuhan ng naganap na sunog sa Palacio del Gobernador (PDG) ngayong Lunes, Hulyo 31 sa Intramuros, Maynila.

Sa pahayag, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na nagsimula ang sunog sa opisina ng Bureau of the Treasury sa ika-anim na palapag ng gusali.

“No aspect of the BSKE preparations, as well as Comelec general administration activities and regular operations, were affected by the fire,” sabi ni Laudiangco.

Sinabi rin nito na “walang malawak” na pinsala ang naiulat matapos ang inisyal na inspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang poll body, gayunpaman, ay nagpatupad ng pagsususpinde sa trabaho para sa mga opisina nito sa gusali.

“To facilitate the BFP’s investigation and safety assessment at the Bureau of the Treasury’s offices on the 6th floor, all work at the Comelec departments and offices at the PDG was suspended by chairman George Erwin Garcia,” dagdag pa ni Laudiangco.

Maalala na nasunog na rin ang ikapitong papag ng gusali noong nakaraang taon na umabot sa ikalawang alarma. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAfter 6 years… PNR Naga-Ligao service, muling lumarga!
Next article‘Flying saucer’ naglutangan sa bagyong Egay, habagat

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here