Home NATIONWIDE Pondo para sa 4Ps tumaas sa P112.8B sa 2024 NEP

Pondo para sa 4Ps tumaas sa P112.8B sa 2024 NEP

MANILA, Philippines- Makakukuha ang  ‘flagship poverty alleviation initiative’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mas malaking alokasyon sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2024.

Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD ay makakukuha ng alokasyon na  P112.8 bilyon.

Ang budget ng 4Ps sa susunod na taon ay mas mataas ng P10.23 billion kumpara sa P102.61 bilyog budget na natanggap ng programa sa 2023 General Appropriations Act (GAA).

Ang nasabing halaga ay mapakikinabangan ng 4.4 milyong eligible household beneficiaries ng programa.

Sa kabilang dako, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na  kabilang sa alokasyon para sa 4Ps ay ang P103.161 bilyon para sa iba’t ibang cash grants, gaya ng P750 kada buwan para sa health subsidies na pangtustos sa 4.4 milyong pamilya, educational subsidies na mula P300 hanggang  P700 kada buwan para sa mahigit na 7 milyong mag-aaral,  at P600 kada buwan para sa rice subsidies para sa 4.4 milyong pamilya.

“The recommended budget for Fiscal Year 2024 shows an increase of P3.725 billion when compared with the actual utilization of P109.111 billion in Fiscal Year 2022,” ayon kay Pangandaman.

“The rise is due to the increased number of students, moving from 1.493 million senior high school (SHS) students in FY 2023 to an anticipated 1.628 million SHS students in FY 2024, who will be provided with an educational allowance,” dagdag na wika niya.

Matatandaang sa Budget Message ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na inaprubahan niya ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa Social Protection Floor (SPF) framework na naglalayong gawing institusyonal ang umiiral na social protection program.

Kabilang dito ang universal healthcare at feeding programs, at ang Conditional Cash Transfer (CCT) Program, may hawak ng pinakamahalagang papel sa comprehensive strategy ng gobyerno para mapagaan ang kahirapan at i-promote ang social development. Kris Jose

Previous articleMga solon kontra sa planong sugar import liberalization
Next article453 pasado sa food technologist licensure exams