Home OPINION PONDO SA AIRPORT REPAIR NG CAMARINES NORTE,  OKAY NA

PONDO SA AIRPORT REPAIR NG CAMARINES NORTE,  OKAY NA

220
0

INAASAHANG mapopondohan na ang pagsasaayos ng paliparan sa Daet,Camarines Norte makaraang hilingin mismo ni Senador Robin Padilla sa Department of Transportation and Communication sa isinagawang budget hearing kamakailan kung saan ipinaabot ng opisyal ang hinaing ng kanyang mga kababayan kaugnay sa mga malalaking proyektong hindi nakakaabot sa lalawigan.

Kinuwestyon din ng senador kung bakit hindi kabilang ang kanyang lalawigan sa panukalang rehabilitasyon ng Bicol Train mula sa Laguna,Quezon,Camarines Sur,Albay hanggang Sorsogon lang samantalang kasama naman aniya ang Camarines Norte sa Kabikolan.

Matatandaan na ibinulalas ni Camarines Norte Governor Ricarte Padilla, nakakatandang kapatid ng mambabatas,sa ginanap na Regional Development Council meeting sa Daet noong nakaraang linggo,ang matagal nang hinaing ng mga residente roon hinggil sa kawalan ng pondo sa pagpapaayos ng airport na aabot lang naman umano sa 100 milyong piso samantalang bubuhusan nga ng halos 12 bilyong piso ang repair ng paliparan sa Pili,Camarines Sur at konstruksyon naman ng panibagong runway at terminal sa Malinta,Masbate City.

Inilabas din ni Governor Padilla sa pagpupulong na malaking tulong sa pagpapalakas ng turismo sa lalawigan ang pagsasaayos ng airport sa gitna nang pagiging topnotcher nito sa tourist arrival sa Kabikolan kung saan dinudumog ang iba’t-ibang naggagandahang beach resorts sa mga bayan kabilang na ang pamosong Calaguas islands sa Vinzons,at kagubatan sa lalawigan.

Samantala, ginarantiya naman ni Senador Jinggoy Estrada kay Padilla na kukumbinsihin niya ang DOTr na agarang pondohan ang pagpapaayos ng paliparan sa lugar ng numero unong senador upang mabilisang marating ng mga turista ang lalawigang ito na pinaniniwalaang mag-aangat pa sa ekonomiya ng lugar.

Previous articleTAMBAN FISH HATCHERY PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN
Next articleSHABU ISINASABAY SA KAHIRAPAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here