Home NATIONWIDE Pondo sa ‘Learning recovery plan,’ isasama sa 2024 budget ng DepEd

Pondo sa ‘Learning recovery plan,’ isasama sa 2024 budget ng DepEd

218
0

MANILA, Philippines – Pinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian na mapopondohan ang lahat ng programa sa “learning recovery plan” sa 2024 budget ng Department of Education (DepEd) upang matugunan ang learning loss at pinsaalng dulot ng pandemya.

Sa isinigawang pagdinig ng Senado sa pondo ng DepEd at attached agencies nito, hiniling ni Gatchalian sa departamento ang budgetary requirements para sa pagpapatupad ng mga programa para sa learning recovery.

Bagama’t maaaring gamitin ng DepEd ang humigit-kumulang P4 bilyon sa ilalim ng Basic Education Curriculum, nais tiyakin ni Gatchalian na sapat ang pondong ito upang maabot ang mga mag-aaral na higit na nangangailangan. Ayon sa DepEd, isusumite nila ang hinihinging budgetary requirements na hiling ng senador.

“Dahil patuloy pa rin tayong bumabangon mula sa pinsalang dulot ng pandemya ng COVID-19, nais nating tiyakin na may pondo ang DepEd para sa pagpapatupad ng learning recovery sa 2024,” ani Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Tinataya ng World Bank na buhat ng Hunyo 2022, umabot na sa 90.9% ang learning poverty sa Pilipinas.

Dating inanunsyo ng DepEd na ipapatupad nito ang National Reading Camp, National Mathematics Program, at ang National Science and Technology Program upang tugunan ang learning loss na dulot ng pandemya.

Ipinatupad din ng DepEd ang National Learning Camp (NLC) sa end-of-school-year break ng School Year 2022-2023. Ngunit boluntaryo lamang ang pakikilahok sa programa na sinimulan ang phased implementation sa Grade 7 at 8. Tinutukan din ng naturang programa ang Science, English, at Mathematics.

Ngunit upang magamit nang husto ang mga inilaang pondo para sa learning recovery, nais tiyakin na Gatchalian na ang mga mag-aaral na hindi abot ang required competencies ang higit na makikinabang sa mga ito.

Matatandaang inihain ni Gatchalian ang ARAL Program Act (Senate Bill No. 1604) upang mapaigting ang pagpapatupad ng learning recovery. Saklaw ng panukalang ARAL program ang mga mag-aaral na nasa below minimum proficiency levels sa Language, Mathematics, at Science. Ernie Reyes

Previous article‘Di bababa sa 91 kandidato binigyan ng show-cause order ng Comelec
Next articleMalabang, Lanao isasailalim sa Comelec control

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here