Bumalik na sa trabaho nitong Sabado si Pope Francis matapos ang isang araw na pahinga makaraang magkasakit , sinabi ng Vatican na nakatakdang magsagawa ng ilang private audiences .
Naospital ang papa sa bronchitis halos dalawang buwan na ang nakalilipas, at may isang buong kalendaryo ng mga pagpupulong na nakahanay.
Noong Biyernes, sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni na hindi haharap sa publiko dahil may lagnat .
Hindi naman malinaw kung kanino makikipagpulong ang papa dahil hindi isinapubloko ang kanyang agenda .
Sinisi naman ni Vatican Secretary of State Pietro Parolin ang abalang iskedyul ng papa na dahilan ng kanyang pagkapagod.
Ayon sa nakalathalang iskedyul ng papa,mayroon itong walong pagpupulong noong Huwebes
Ang susunod niyang public appearance ay ang Sunday mass sa St.Peyer Basilica para sa selebrasyon ng Pentecost , susundan ng trandusyonal na Regina Coeli prayer.
Sa Lunes, naka-iskedul siyang makipagpulong kay Italian President Sergio Mattarella.
Si Francis, pinuno ng 1.3 bilyong Katoliko sa mundo mula noong 2013, ay dumanas ng dumaraming isyu sa kalusugan sa nakalipas na taon, mula sa patuloy na pananakit ng kanyang kanang tuhod hanggang sa kanyang kamakailang pananatili sa ospital para sa bronchitis. Jocelyn Tabangcura-Domenden