Home NATIONWIDE Pope Francis bumuti na kondisyon matapos operahan

Pope Francis bumuti na kondisyon matapos operahan

245
0

VATICAN City – Bumubuti na ang kondisyon ni Pope Francis at ang kanyang post-operative recovery ay normal, sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni.

Sumailalim si Francis sa tatlong oras na operasyon noong Miyerkoles upang ayusin ang abdominal hernia, na ayon sa mga doktor ay sapat na para maipagpatuloy ang kanyang paglalakbay at iba pang aktibidad matapos siyang makarekober.

“Pope Francis rested during the night. His medical team says the clinical situation is progressively improving and the post-operative recovery is normal,” sa ni Bruni sa isang pahayag.

“After having breakfast, His Holiness began to move around, spending most of the morning in an armchair. This allowed him to read the newspapers and to start resuming work,” dagdag pa

Sinabi ng papa noong unang bahagi ng taong ito na ang kondisyon ay bumalik at isang dahilan ng kanyang pagtaas ng timbang.

Ang kasalukuyang pananatili sa ospital ay ang pangatlo para kay Francis at ito ang pinakabago sa serye ng mga problema sa kalusugan para sa kanya.

Siya ay na-ospital ng ilang araw noong Marso dahil sa bronchitis.

Sinabi ni Doctor Sergio Alfieri , ang chief surgeon na nag-opera kay papa na maganda ang naging reaksyon ni Francis sa general anesthesia at inaasahan niyang nasa ospital ang papa ng mga lima hanggang pitong araw.

Ngunit binalaan ni Alfieri na habang malakas ang papa ay matanda na rin siya at kamakailan ay nagkaroon ng bronchitis.

“So we will take all necessary precautions”, ayon kay Alfeiri kaugnay sa pananatili ng papa sa ospital.

Si Francis ay may dalawang biyahe na binalak para sa summer, sa Portugal Agosto 2-6 para sa World Youth Day at upang bisitahin ang Shrine of Fatima, at sa Mongolia Agosto 31-Sept. 4, isa sa mga malalayong lugar na mapupuntahan niya sa kanyang mga paglalakbay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDMW, CHED sanib-pwersa sa paglikha ng scholarship fund sa nursing studes
Next articleTesting ng pagboto ikakasa ng Comelec sa 15 mall

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here