Home NATIONWIDE Pope Francis may sakit

Pope Francis may sakit

511
0

VATICAN – Hindi natuloy ang iskedyul ni Pope Francis noong Biyernes ng umaga dahil sa pagkakaroon nito ng lagnat ayon sa Vatican.

“Due to a feverish state, Pope Francis did not receive an audience this morning,” sabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni, ngunit hindi na nagbigay pa ng detalye.

Marso nang maospital si Francis sa Rome at nanatili ng tatlong Gabi matapos mahirapang huminga.

Natukoy ng mga doktor na ang impeksyon sa paghinga ay brongkitis, at ginamot siya ng mga antibiotic na mabilis siyang tumugon.

Ang pagtaas ng mga isyu sa kalusugan ni Francis sa nakalipas na taon ay Nagdulot ng malawakang pag-aalala, kabilang ang espekulasyon na maaari niyang piliin na magretiro kaysa manatili sa trabaho habang buhay, isang pagpipilian na ginawa ng kanyang hinalinhan na si Benedict XVI dahil ba rin sa mga health issues na kanyang nararamdaman sa nagdaang taon.

Sa ngayon bumubuti na umano ang Santo Papa.

“I can walk now. My knee has been mending. I could hardly walk beforehand, now can. Some days are more painful than others, like today,” ayon kay Francis sa isang panayam. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCambodian nilamon ng 40 buwaya
Next articleSignal no. 1 itinaas sa ilang lugar sa Isabela, Cagayan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here