Home NATIONWIDE Pope Francis nanguna sa Easter Vigil sa kabila ng health concerns

Pope Francis nanguna sa Easter Vigil sa kabila ng health concerns

VATICAN CITY – Pinangunahan ni Pope Francis ang selebrasyon ng Easter Sunday matapos ikansela ang isang pangunahing prusisyon noong Biyernes Santo kung saan muling nabuhay ang mga katanungan tungkol sa kanyang kalusugan.

Nakatakda ring mamuno ang Santo Papa sa isang Easter eve vigil sa Saint Peter’s Basilica sa harap ng libu-libong mga pilgrim mula sa buong mundo, kinumpirma ng Vatican noong Sabado.

Ngayong Easter Sunday, normal na idinaos ng Papa ang Misa at kanyang “Urbi et Orbi” blessing na inihayag sa buong mundo.

Ayon sa Vatican noong Biyernes, walang partikular na alalahanin tungkol sa kanyang kalusugan at ang desisyon na kanselahin ang kanyang serbisyo noong Biyernes Santo ay walang kaugnayan dito.

Kinansela rin ng Argentinian Jesuit ang kanyang paglahok sa “Via Crucis” noong 2023, ngunit kasunod iyon ng tatlong araw na pananatili sa ospital dahil sa bronchitis at inihayag nang maaga. Makalipas ang ilang linggo, sumailalim siya sa operasyon sa hernia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article47K biyahero sa mga pantalan naitala ngayong Easter Sunday
Next articleFacebook page ng PCG muling na-hack