Home NATIONWIDE Pope Francis: Paghahatid ng humanitarian aid para sa Gaza residents payagan

Pope Francis: Paghahatid ng humanitarian aid para sa Gaza residents payagan

VATICAN CITY- Nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na hayaang maihatid ang ang mga suplay sa Gaza Strip, sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ikinababahala ang humanitarian crisis sa Gaza, kung saan pinutol ng Israel ang tubig, pagkain, at kuryente, at nanindigang ipagpapatuloy ang complete siege hangga’t hindi pinakakawalan lahat ng hostages na dinukot ng Palestinian Islamist militant group.

Sa loob ng walong araw mula nang paslangin ng Hamas gunmen ang mahigit 1,300 Israelis sa sorpresang pag-atake, gumanti ang Israel sa pamamagitan ng bombing campaign kung saan mahigit 2,300 indibidwal na ang nasawi sa Gaza.

“Humanitarian law must be respected, especially in Gaza, where it is urgent and necessary to guarantee humanitarian corridors and help the population,” anang Santo Papa kasunod ng kanyang traditional Angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Rome.

“I strongly urge that children, the sick, the elderly, women and all civilians should not fall victim to the conflict,” giit niya.

Naghahanda ang Israeli forces nitong Linggo para sa ground invasion ng Gaza na layong buwagin ang Hamas. RNT/SA

Previous articleHumanitarian aid para sa Gaza ‘di maihatid sa pagsasara ng Rafah Crossing
Next articleImee dumepensa sa bintang na ‘historical revisionism’ sa pagtanggal sa EDSA anniv bilang holiday