MANILA, Philippines- Umapela si Pope Francis sa mga tao sa South Sudan na alisin na ang kanilang “sandata ng pagkamuhi” sa isang open mass sa kanyang huling araw ng pagbisita sa bansa na napinsala ng karahasan at kahirapan.
“Let us lay down the weapons of hatred and revenge… Let us overcome the dislikes and aversions that over time have become chronic and risk pitting tribes and ethnic groups against one another,” sabi ni Francis sa kanyang homily.
Unang papal visit ito ni Francis sa bansang karamihan ay Kristiyano mula noong nakamit nito ang kalayaan mula sa pangunahing Muslim na Sudan noong 2011 at sumabak sa isang digmaang sibil na pumatay ng halos 400,000 katao.
Si Francis na sumubok makipagkasundo sa kapayapaan noong digmaang sibil, ay nakatanggap ng masayang pagtanggap sa kabuuan ng kanyang pagbisita
Noong Sabado, nakilala ni Francis ang mga biktima ng digmaang sibil, na dinala sa Juba mula sa iba’t ibang mga kampo, at hinimok ang gobyerno na ipagpatuloy ang proseso ng kapayapaan at ibalik ang “dignidad” sa milyun-milyong apektado ng labanan.
Sa 2.2 milyong internally displaced people (IDPs), at isa pang dalawang milyon sa labas ng bansa, ang South Sudan ay saksi sa pinakamalalang refugee crisis sa Africa.
Taong 2019 nang mangako ang Santo Papa na bumisita sa South Sudan nang i-host niya sina Kiir at Machar sa isang Vatican retreat at hilingin sa kanila na igalang ang tigil-putukan.
Makalipas ang apat na taon, ang bansang mayaman sa langis ay nanatiling nakalubog sa hindi maaalis na tunggalian, na pinasama ng kahirapan, gutom at natural na mga sakuna.
Ang paghinto ng papa sa South Sudan ay kasunod ng apat na araw na pagbisita sa Democratic Republic of Congo, isa pang resource-rich country na sinalanta ng patuloy na labanan at madalas ding hindi napapansin ng mundo.
Ang biyahe at ang ikalima ni Francis sa Africa—ay unang naka-iskedyul para sa 2022 ngunit kailangang ipagpaliban dahil sa mga problema sa tuhod ng papa. Jocelyn Tabangcura-Domenden