Home NATIONWIDE Pope Francis sapul ng flu

Pope Francis sapul ng flu

MANILA. Philippines- Dinala sa ospital sa Roma para sa suriin si Pope Francis na dumaranas ng influenza, ayon sa Italian news agency nitong Miyerkules.

Nauna nang hindi nakpapaghatid ng mensahe sa kanyang lingguhang audience nitong Miyerkules ang Santo Papa at ipinagkatiwala ang gawain sa isang aide at sinabi sa mga mananampalayata na hindi pa rin siya magaling.

Dahil dumaranas ng maraming isyu sa kalusugan, kinansela ng papa ang kanyang mga appointments noong Sabado at Lunes dahil sa mild flu.

Noong Linggo, humarap siya smga mananampalataya sa St. Peter’s Square upang maghatid ng kanyang Angelus message.

“Dear brothers and sisters I still have a bit of a cold,” pahayag ni Francis sa mga mananampalataya noong Miyerules na inanunsyo na may ibang magbabasa ng kanyang catechesis tungkol sa inggit at vainglory, dalawa sa pitong nakamamatay na kasalanan.

Sa pagtatapos ng kanyang weekly audience, nagsalita ang papa na ang kanyang boses ay paos at medyo umuubo upang batiin ang ilan sa mga mananampalataya at magbigay ng mga panawagan para sa kapayapaan gaya ng nakaugalian.

Noong Disyembre, napilitan ang papa na kanselahin ang isang nakaplanong paglalakbay sa COP28 climate meeting sa Dubai dahil sa mga epekto ng influenza at pamamaga ng baga.

Hirap na ring maglakad ang papa kaya laging gumagamit ng wheelchair. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP4.68M marijuana winasak sa disputed boundary ng Ilocos Sur, Benguet
Next articleNHA namahagi ng P6.69M tulong sa fire victims sa Maynila, Mandaluyong